Mapapakinabangan na ngayon ng tatlumpuโt isang (31) kinder pupils at labing tatlong Grade-6 pupils ng Mana-ay Elementary School (MES) sa Barangay Bulucaon, Pigcawayan ang 2-classroom school building mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ang naturang proyekto ay bahagi ng pinaigting na programa para sa edukasyon ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza na ang tanging hangad ay mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat batang Cotabateรฑo katuwang ang Department of Education- Cotabato Division.
Hindi maikubli ni MES Principal Ian Joy Glimada ang kanyang kagalakan matapos pormal na iturnover ngayong araw, Enero 10, 2024 ni Governor Mendoza ang naturang gusali na itinuturing nitong hulog ng langit para sa kanilang mga estudyante at guro.
Ang proyekto ay pinondohan ng abot sa P1,996,036.02 sa ilalim ng Special Education Fund (SEF) bilang tugon sa kakulangan ng classroom sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan.
Sa kanyang talumpati, binanggit din ng ina ng lalawigan ang ilan sa mahahalagang proyektong ipinapatupad ng kapitolyo para sa kabataan at ang suportang ibinibigay sa mga indibidwal na kalahok sa ibaโt ibang kompetisyon na nangangailangan ng interbensyon ng kanyang opisina.
Nasa naturang aktibidad rin sina Boardmembers Roland Jungco, Sittie Eljorie Antao-Balisi, Former Boardmembers at kasalukuyang Provincial Advisory Council Members Rosalie Cabaya at Shirlyn Macasarte-Villanueva.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//