๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—น๐˜๐—ถ-๐—ฝ๐˜‚๐—ฟ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐—ฒ ๐—ฏ๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—จ๐—ฝ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ ๐—•๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป

Amas, Kidapawan City| Enero 10, 2023- Buong galak na sinalubong ng mga residente at opisyales ng Barangay Upper Bulanan, Midsayap, Cotabato ang pagdating ni Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo-Mendoza upang iturnover ang dalawang palapag na multi-purpose building ngayong araw.

Ang proyekto na pinondohan ng abot sa P4,992,046.11 ng Local Government Support Fund-Financial Assistance to LGU (LGSF-FALGU) ng pamahalaang nasyonal ay gagamitin bilang bagong opisina ng barangay Upper Bulanan.

Sa kanyang mensahe tiniyak ni Barangay Chairman Dominador Saromines na pagsisikapan nito kasama ang kanyang kapwa opisyales na magampanan ng maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin sa ngalan ng serbisyo publiko.

Nagpaabot naman ng kanyang makahulugang mensahe si Governor Mendoza kung saan nabanggit nito ang ilan sa mga programang isinusulong ng kapitolyo na tutugon sa pangangailangan ng ibaโ€™t ibang sektor sa lipunan.

Hinikayat niya rin ang mga mamamayan sa barangay na patuloy na magkaisa upang maayos na mapamunuan ng kanilang mga napiling lider sa barangay ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini/