Amas, Kidapawan City- Pagkatapos ng limang turnover sa bayan ng Pigcawayan, tinungo naman hapon ng Enero 10, 2024 ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza ang Barangay Malamote bayan ng Midsayap para iturnover ang bagong tayong 2-storey multi-purpose building na pinondohan ng Local Government Support Fund-Financial Assistance to LGU (LGSF-FALGU) ng National Government.
Ang nabanggit na gusali ay magagamit na ngayon bilang bagong tanggapan ng barangay na makakatulong upang maayos at mabilis nitong maihatid ang serbisyo sa mamamayan ng komunidad na nangangailangan ng tulong.
Ito ay pinondohan ng abot sa P4,992,046.11 ng LGSF-FALGU sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan bilang implementing agency.
Pinasalamatan ni Barangay Chairman Rosalia Cardoza si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglalaan nito ng pondo at sa pagsisikap ni Governor Mendoza na maayos na maipatupad ang proyekto batay sa itinakdang specifications at panahon para sa implementasyon.
Aniya ang naturang gusali, ay bunga ng magandang ugnayan sa pagitan ng local government unit, provincial government at pamahalaang nasyonal na nagtutulungan sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Kasama ni Governor Mendoza sa naturang turnover sina Boardmembers Roland Jungco at Sittie Eljorie Antao-Balisi, Midsayap Municipal Mayor Rolando Sacdalan, Former Boardmembers at kasalukuyang Provincial Advisory Council Members Shirlyn Macasarte-Villanueva at Rosalie Cabaya.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//