Amas, Kidapawan City| Nobyembre 15, 2023-โ๐๐ก๐๐ง๐ค ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐๐๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ซ๐๐ฐ๐จ๐ซ๐ค.โ Ito ang personal na mensaheng ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa miyembro ng Provincial Peace and Order Council- Executive Committee (PPOC-ExeCom) sa matagumpay na pagdaos ng 2023 Barangay ang Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa gobernadora mismong ang Commission on Election (COMELEC) na ang nagbalita sa kanya na sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang ginanap na halalan sa lalawigan noong Oktubre 30, 2023 na kinumpirma naman sa kanyang presentasyon ni Cotabato Police Provincial Director Harold S. Ramos.
Kaya naman sa isinagawang PPOC-ExeCom ngayong umaga sa kanyang opisina pinasalamatan nito ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines, Department of Education, COMELEC at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagsisikap nito na maitaguyod ng payapa at maayos ang BSKE.
Dagdag pa niya, na walang imposible sa pamahalaan at sambayanang nagtutulungan lalo na kung ito ay para pangkalahatang kapakanan.
Naging sentro rin ng naturang pagpupulong ang presentasyon ng AFP at PNP hinggil sa kanilang mga programa at kampanya kontra insurhensiya, kriminalidad at terorismo.
Nasa naturang pagpupulong din si Department of the Interior and Local Government (DILG) Director Ali B. Abdullah, Provincial Mayors League President Jonathan Mahimpit at matataas na opisyal ng militar at kapulisan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//