Amas, Kidapawan City|Nobyembre 13, 2023- Suot ang kanilang barong-tagalog at baroโt saya, pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang mga Barangay at Sangguniang Kabataan Officials mula sa bayan ng Matalam.
Ang mass oath taking ng naturang mga opisyales na ginanap ngayong araw sa Municipal Gymnasium ay pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza na nag-iwan ng isang paalala at makabuluhang mensahe sa mga bagong uupong opisyales ng tatlumpuโt apat (34) na barangay mula sa naturang munisipyo.
Binigyang diin din nito na ang kanyang pamunuan kasama si 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos ay buo ang suportang ipinapaabot sa bayan ng Matalam sa pamumuno ni Municipal Mayor Oscar M. Valdevieso at Vice Mayor Ralph Ryan H. Rafael.
Sa katunayan aniya, humigit-kumulang sa P621M worth of project ang inilaan ng tanggapan ni Congresswoman Santos para sa bayan hindi pa kasali rito ang mga proyektong nagmula sa pamahalaang panlalawigan.
Bilang isang ina at produkto rin ng SK ipinaalala ni Governor Mendoza sa mga kabataang lideres ang mga mahahalagang isyu na dapat nitong tutukan kabilang na dito ang school drop-outs, drag racing, malnutrition, statutory rape, HIV/AIDS, bullying, environmental problems at marami pang iba.
Aniya, ang tagumpay ng probinsya ay nakasalalay sa tulong ng munisipyo at barangay na siyang katuwang nito sa maayos at epektibong pagpapatupad ng proyekto.
Umaasa din siya na maayos na magampanan ng mga opisyal ang kanilang mga tungkulin sa ngalan ng serbisyo publiko.
Dumalo rin sa naturang seremonya si Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ali B. Abdullah, Sangguniang Bayan Members, mga pamilya at kaibigan ng mga nanumpang opisyal at iba pang mahahalagang panauhin.//idcd-pgo-sotto/photobySMNanini//