Amas, Kidapawan City| Nobyembre 8, 2023- Isang taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo- Mendoza kay outgoing Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Sarah Joy L. Simblante sa naging kontribusyon nito hindi lamang sa kabataan kundi sa mamamayang Cotabateรฑo.
Si Simblante na nagsimulang maglingkod bilang Ex-officio Boardmember ng Sangguniang Panlalawigan (SP) noong Hulyo 1, 2018 ay itinuturing na longest-serving SK Provincial Federation President dahil sa ilang beses na pagkaantala ng Barangay and SK elections sa mga nagdaang taon.
Ilan sa mga mahahalagang ordinansang isinulong ni Simblante bilang pangunahing may akda ay ang sumusunod: Provincial Ordinance No. 628 An Ordinance Granting Honoraria to Sangguniang Kabataan Officials both Elective and Appointive; Provincial Ordinance No. 637 An Ordinance Creating the Cotabato HIV/AIDS Council for the Prevention and Control of Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immunodeficiency Syndrome; Provincial Ordinance No. 651 Granting Tax Relief to Delinquent Real Property Tax Owners in the Different Minicipalities of the Province; Provincial Ordinance 673 Institutionalizing the Governance Exemplars for Meaningful Service for SK; and Provincial Ordinance 674 Creating the Youth Development Division Under the Office of the Governor.
Nakapagpasa rin ito ng maraming resolusyon at naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pagpapatupad ng ibaโt ibang programang pangkabataan gaya ng Summer Kids Peace Camp, Cotabato Young Leaders Congress, SK GEMS Exemplars at iba pang programa na tumatak sa puso at isip ng bawat indibidwal na naging bahagi nito.
Sa isinagawang 63rd Regular Session ng SP kahapon Nobyembre 7, 2023 personal na ipinaabot ng batang lehislador ang kanyang pasasalamat kay Governor Mendoza sa tiwala at suportang ipinagkaloob nito sa kanya.
Pinasalamatan rin niya ang kanyang mga kasamahan sa sanggunian sa pagtulong at paggabay sa kanya kung kaya’t maayos nitong nagampanan ang kanyang tungkulin.
Tiniyak rin nito na patuloy siyang magiging boses ng bawat kabataan sa pamamagitan ng pagsusulong ng kanilang karapatan at kapakanan at patuloy na susuportahan ang adbokasiyang Serbisyong Totoo.
“๐จ๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ , ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ฐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐รฑ๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐,โ wika pa nito.
Personal ding nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Simblante si Vice Governor Efren F. Piรฑol, kasama ang mga Provincial Boardmembers, City Councilor Airene Claire โAyingโ Pagal-Villarico, Kabacan Councilor Leah Saldivar at Midsayap Councilor Justine Clio Ostique.//idcd-pgo-sotto/PhotobyBMSimblante&C