Amas, Kidapawan City | Nobyembre 7, 2023 – Bilang bahagi ng โ10-Day Technical Trainingโ hinggil sa pagbuo ng Cotabato Provincial Mechanization and Agri-Infrastructure Plan na sinimulan noong ika-23 ng Oktubre, ipinagpatuloy nitong Lunes ika-6 ng Nobyembre ang masusing pagsasanay at talakayan na nakatuon sa paggawa ng โFeasibility Studyโ para sa proyektong farm-to-market roads sa lalawigan ng Cotabato.
Layunin nitong mapaghandaan ang mga kinakailangang dokumento para sa matagumpay na implementasyon ng mga gagawing proyekto batay sa pangangailangan ng mga Cotabateรฑo.
Ito ay dinaluhan ng mga Agricultural and Biosystem Engineers (ABEs) mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at mga lokal na pamahalaan sa lalawigan na ginanap sa Sitio Maupot, Barangay Pangao-an, Magpet, Cotabato.
Ang proyektong farm-to-market roads ay naglalayong makapagbibigay ng benepisyo at kaginhawaan sa mga magsasaka sa paghahatid ng kanilang mga kalakal at produkto tungo sa merkado. Dagdag pa nito, ang pagpapatupad ng proyekto ay makakatulong sa pag-unlad ng turismo at imprastraktura sa iba’t-ibang mga munisipalidad at siyudad ng lalawigan.
Ang hakbang na ito ay naaayon sa hangarin ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na palakasin ang sektor ng agrikultura sa probinsya.
Isinagawa ang aktibidad sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamumuno ni Department Head Remedios M. Hernandez sa ilalim ng Agricultural and Biosystems Engineering Division. Ito ay magtatapos sa darating na Biyernes ika-10 ng Nobyembre taong kasalukuyan.//idcd-pgo/catalan/Photoby:OPAg//