Amas, Kidapawan City – Sa layuning mapayaman at patuloy na maipaunawa ang kultura at tradisyon ng mga Indigenous People sa probinsya ng Cotabato, isang IP Learner’s Hub ang pormal na pinasinayaan nitong Oktubre 27, 2023 sa Magpet National High School, Magpet, Cotabato.
Ito ay bilang pakikiisa ng nabanggit na paaralan sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Month ngayong buwan ng Oktubre sa buong bansa.
Sentro sa naturang pagdiriwang ang pagturo at pagbabahagi ng mga IP elders/cultural masters sa mga IP students ng mga aral na kanilang babaunin at maibabahagi hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
Bilang pakikiisa sa aktibidad ay ipinaabot ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang kanyang suporta sa pamamagitan ni Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Arsenio Ampalid kung saan sa kanyang naging mensahe ay binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang mapangalagaan ang bawat tribu sa lalawigan.
Nabanggit din nito ang patuloy na pagsisikap ng Serbisyong Totoo na maibigay ang mga programang makakatulong sa pagpapa-unlad ng mga IP communities sa probinsya.
Ang pagbubukas na programa at cutting of ribbon ay pinangunahan ng kanilang punong guro na si Dr. Jasper L. Lobaton at dinaluhan naman ng mga guro at mag-aaral na nasabing paaralan.//PGO-Sopresencia Photoby:IPMRstaff//