๐๐.๐๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ค ๐๐ซ๐จ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ฒ๐-๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐ง๐ ๐๐๐๐, ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐จ๐ญ๐๐๐๐ญ๐รฑ๐จ
Amas, Kidapawan City- Hindi maipaliwanag ni Nanay Jamela Sarmiento, 59, mula sa bayan ng Libungan, Cotabato ang kanyang kasiyahan matapos tanggapin ngayong araw ang transitory support package (TSP) na nagkakahalaga ng P50,000 mula sa Balik Probinsya-Bagong Pag-asa Program (BP2) ng Department of Social Welfare and Development Field Office XII.
Maluha-luhang ikinuwento ni Nanay Jamella ang kanyang naging karanasan nang mawalan ito ng trabaho sa kalakhang Maynila matapos magsara ang garment factory na kanyang pinagtatrabahuan dahil sa pandemiya at napilitang umuwi sa Barangay Malengen, Libungan na wala ni isang kusing kasama ang kanyang asawang maysakit.
Ayon sa kanya, “Nagapasalamat gid ko ug dako sa tabang sa DSWD kay ining nadawat namon karon nga ayuda dako gid ang mabulig sa amon ilabi na karon nga naga krisis gid ang panahon.โ
Pasasalamat din ang ipinaabot ni Robelyn Moralle, 26, mula naman sa bayan ng Antipas na nakipagsapalaran rin sa Maynila at siyudad ng Davao sa tulong na natanggap mula sa BP2 na ayon sa kanya ay biyayang maituturing ng kanyang pamilya.
Ang BP2 ay isang programa ng DSWD na naglalayong matulungan ang mga mamamayang nasa laylayan ng lipunan na kailangang lumikas o ilikas dahil sa ibaโt ibang kadahilanan. Ito ay naghahangad din na matulungang mabigyan ng pangkabuhayan ang mga indibidwal at pamilyang nakipagsapalaran sa ibang lugar ngunit hindi sinuwerte at mas piniling umuwi o bumalik na lamang sa lalawigang kanilang pinagmulan.
Sa kabuoan, umabot sa P4,950,000.00 ang naipamahaging ayuda ng DSWD kung saan 97 pamilya ang nakatanggap ng tig P50,000 TSP mula sa bayan ng Antipas, Arakan, President Roxas, Matalam, Kabacan, Midsayap, Pikit, Libungan at Banisilan. Dalawa naman mula sa naturang mga benepisyaryo ang nakatanggap ng karagdagang P50,000 para naman sa livelihood settlement grants (LSG).
Sa kanyang naging mensahe, sinabi naman ni DSWD XII Asst. Regional Director (ARD) Bonifacio V. Selma, Jr. kinatawan ni Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. na inaasikaso pa ng kanilang tanggapan ang karagdagang P50,000 na LSG para naman sa 95 pamilyang hindi pa nakakatanggap ngayong araw.
“๐๐๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐ง๐๐ญ๐จ ๐๐ง๐ ๐ค๐ฐ๐๐ซ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ ๐จ๐๐ฒ๐๐ซ๐ง๐จ”– ๐๐จ๐ฏ.๐๐๐ง๐๐จ๐ณ๐
โHalungan nato ang kwarta sa gobyero, kay kini gikan sa buwis sa katawhan.โ
Ito ang makahulugang mensaheng ipinaabot ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo-Mendoza sa mga benepisyaryo ng BP2 na tumanggap ng kanilang ayuda ngayong araw na ginanap sa Tuburan Hall Lobby, Amas, Kidawapawan City.
โIsip katawhan nga benepisyaryo sa mga programa sa gobyerno, buligi ninyo kami sa pagmonitor kung tama ug sakto ba ang pag-implementar sa proyekto sa inyo barangay, kay ang kwarta nga gigamit dira halin man sa inyo ginabayad nga buwis,” wika ng gobernadora.
Hinikayat din nito ang mga benepisyaryo na maging mata, tenga at bibig ng kanilang komunidad at isumbong ang mga taong gumagawa ng katiwalian sa proyektong ipinapatupad ng pamahalaan.
Pinaalalahanan niya rin ang mga ito na gamitin sa tamang paraan ang perang natanggap ngayong araw upang matulungang maiangat ang buhay ng kanilang mga pamilya.
Pinasalamatan din nito si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., DSWD Secretary Rex Gatchalian at RD Cabaya sa isa na namang biyayang ipinagkaloob nito sa Cotabateรฑong labis na nangangailangan.
Pagsaludo din sa pamunuan ni Governor Mendoza ang ipinaabot ni ARD XII Selma sa walang tigil nitong pakikipag-ugnayan sa ahensya mabigyan lamang ng nararapat na tulong ang kanyang nasasakupan.
Nasa nasabi ring pagtitipon si Provincial Advisory Council (PAC) Members at Former Boardmembers Rosalie H. Cabaya at Albert Rivera, DSWD Regional Program Coordinator Camelia A. Taha, mga kawani ng DSWD XII at Provincial Social Welfare and Development XII.//idcd-pgo-sotto//