๐—Ÿ๐—ฃ๐— ๐—– ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—˜๐——๐—” ๐—ซ๐—œ๐—œ

Amas, Kidapawan City- Iginawad nitong Setyembre 27, 2023 kay Cotabato Governor at Regional Development Council XII Chair Emmylou โ€œLalaโ€ Taliลˆo Mendoza ang plaque of commendation mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) XII sa pangunguna ni RDC XII Vice Chairperson at Regional Project Monitoring Council XII Teresita Socorro C. Ramos.

Ang naturang plake ay iginawad bilang pagkilala sa Provincial Project Monitoring Committee (PPMC) ng lalawigan ng Cotabato โ€œas most active and functionalโ€ na Local PMC sa buong SOCCSKSARGEN Region at sa pagsunod nito sa pamantayang itinakda ng NEDA.

Ang PPMC ay isang komitiba na siyang nakatututok sa pag monitor ng mga programa at proyektong ipinapatupad ng pamahalaang nasyunal at lokal sa probinsya upang matiyak na sumusunod ito sa quality standards and specifications.

Pagsaludo naman ang ipinaabot ni Cotabato Governor Mendoza kay PPMC Chair Francisco Gil Garcia sa dedikasyon nito kasama ang iba pang miyembro ng komitiba na siguruhin na nakakatanggap ng dekalidad na proyekto ang bawat mamamayan sa lalawigan ng Cotabato.

Pinasalamatan din nito ang mga Cotabateลˆo na siyang katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pag monitor sa mga barangay na maayos na naipapatupad ang proyektong nagmula sa buwis ng taumbayan.

Ang paggawad ng nabanggit na plake ng papuri ay ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall ng Sultan Kudarat Provincial Capitol Building, Isulan pagkatapos ng RDC XII Meeting na pinangunahan ni Governor Mendoza.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMNanini//