Amas, Kidapawan City| Agosto 24, 2023- Bukas ngayon ang tanggapan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza na makipagtulungan sa Commission on Election (COMELEC) para sa matiwasay na pagsasagawa ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa darating na Oktubre 30, 2023.
Ito ang inihayag ni Mendoza sa isinagawang Cotabato Province Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) Coordinating Conference sa bayan ng Carmen, Cotabato sa pangunguna ng COMELEC katuwang ang Philippine National Police, Department of Education at Armed Forces of the Philippines. Ayon sa gobernadora, maliban sa pagtiyak ng matiwasay na halalan sa probinsya ng Cotabato, siniguro din nito na handa siyang makipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang maayos ding maitaguyod ang eleksyon sa 63 Special Geographic Areas (SGA) na dating sakop ng probinsya. Nanawagan naman ito sa mamamayan ng lalawigan na makiisa at makipagtulungan sa adhikain ng COMELEC at maging tulay sa isang maayos at malinis na halalan.//idcd-pgo-sotto/PhotobyBMasukat//