๐Œ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐‚๐ก๐ž๐œ๐ค-๐ฎ๐ฉ ๐ฌ๐š ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‚๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ง, ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐Œ๐ž๐ง๐๐จ๐ณ๐š

Amas, Kidapawan City I Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza ang paghatid ng serbisyong kalusugan sa pangkaisipan o “Mental Health Check-up” sa mahigit 58 na mga indibidwal sa bayan ng Carmen nitong Agosto 23, 2023.

Layunin ng programang ito ni Governor Mendoza na matulungan ang bawat Cotabateรฑo na may problema sa aspetong mental na walang kakayahang magpakonsulta at masuri ng espesyalista, mabigyan ng angkop na gamot at interbensyon para sa kanilang agarang paggaling.

Matatandaang naglaan ng higit sa P11M ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato para sa mental health programs ng lalawigan na buong husay namang ipinatupad ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) katuwang ang mga eksperto na kinabibilangan ng psychiatrist, psychometrician, nurse at physical therapist.

Kasama din ng gobernadora sina Provincial Governor’s Office Managing Consultant for Health Dr. Erwin Francis Palmones at Boardmember Jonathan Tabara na kapwa nagpaabot ng kanilang suporta sa isinagawang aktibidad.//PGO-Sopresencia Photoby:SMNanini//