Amas, Kidapawan CityI Agosto 21, 2023 โ Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Talino-Mendoza, kabilang sa mga tumanggap ng pagkilala sa isinagawang awarding of military personnel and stakeholders kasabay ng pagdiriwang ng 1002nd Infantry (BAGWIS) Brigade 10ID PA, 17th Activation Anniversary ngayong araw sa Malandag, Malungon, Saranggani Province.
Ang nasabing parangal ay iginawad bilang pagpapahalaga sa ipinakita nitong dedikasyon sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon at suporta nito na wakasan ang insurhensiya sa lalawigan ng Cotabato at maging sa rehiyon ng Mindanao.
Patunay nito ang patuloy na pagsasagawa ng inisyatibong programa ni Governor Mendoza na “Serbisyo Caravanโ sa mga lugar sa lalawigan na kinilala bilang mga dating conflict affected barangays, alisunod na rin sa ipinapatupad na Executive Order No. 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng pamahalaang nasyunal sa buong bansa.
Ang nasabing parangal ay iginawad sa pangunguna ni Commanding General, Philippine Army Lieutenant General Roy M. Galido PA, kasama si 1002nd Brigade Commander BGen Patricio Ruben P. Mata.
Sa mensahe ni LtGen Galido bilang panauhing pandangal kanyang pinasalamatan ang mga kawani ng PA at ang lahat ng mga stakeholders sa walang sawang suporta at pakikipagtulungan upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng programang pangkapayapaan at kaunlaran ng pamahalaang nasyunal.
Taos-puso naman na nagpasalamat si Governor Mendoza kay LtGen Galido at tiniyak nito ang patuloy sa suporta para sa kapakanan ng mga Cotabateรฑo at sa mga mamayan ng Mindanao.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Saranggani Provincial Administrator Atty Ryan Jay R. Ramos bilang kinatawan ni Governor Rogelio D. Pacquiao, Malungon, Saranggani Mayor Maria Theresa D. Constantino, at ilang mga alkalde mula sa lalawigan ng Saranggani, Cotabato at Davao Occidental.
Naroon din sa naturang okasyon si Department of Social Welfare Regional Director Loreto V. Cabaya Jr, kasama ang mga opisyal, kawani ng Philippine Army, mga kinatawan mula sa ibat- ibang ahensya ng pamahalaan at iba pang mga stakeholders.//idcd-pgo/dalumpines/PhotobySMNanini//