Amas, Kidapawan City| Hulyo 30,2023- Nakatanggap ng pinansyal na suporta mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang mga atleta at coaches na kasalukuyang nasa Marikina City sa National Capitol Region at naghahanda para sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2023, bukas, Hulyo 31, 2023.
Abot sa 38 na mga atleta mula sa lalawigan ang makikipagtagisan ng galing sa larangan ng larong athletics, taekwondo, chess, lawn tennis, badminton, wrestling, archery, table tennis, billiard, boxing, pencak silat, wushu at paralympics.
Ang nasabing mga atleta kasama ang sampung (10) coaches, apat (4) na chaperons at limang (5) delegation officials ay nabigyan ng tig-5,000 pinansyal na suporta o may kabuoang halaga na abot sa P285,000 mula sa provincial government na pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF) na kanilang magagamit sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan.
Nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Governor Emmylou โLalaโ Taliลo-Mendoza sa lahat ng mga kalahok sa pambansang kompetisyon at hangad nito ang tagumpay ng bawat atletang Cotabateลo.
Umaasa din ito na mamayani nawa sa puso ng bawat manlalarong kalahok ang disiplina, teamwork at diwa ng sportsmanship.
Kung matatandaan nitong nakaraang Lunes, Hulyo 24, namahagi din ng incentives para sa mga atletang nagwagi sa SRAA meet 2023 ang probinsya na nagkakahalaga ng P904,000.
Ang Palarong Pambansa 2023 ay matatapos sa Agosto 5, 2023 na lalahukan ng mga atletang Pinoy mula sa ibaโt ibang panig ng bansa.//idcd-pgo-sotto/PhotobyBTee-PTO//