Amas, Kidapawan City|- Magbibigay ng insentibo ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa mga law enforcers at barangay officials na makakahuli ng mga indibidwal na sangkot sa drag racing sa kani-kanilang areas of responsibility.
Ito ang inihayag ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa isinagawang Peace and Order Council Executive Meeting (PPOC ExeCom) na ginanap nitong Lunes Hulyo 31, 2023, sa kanyang opisina, matapos na isang menor de edad ang namatay dahil sa drag racing accident nitong Sabado, Hulyo 29, 2023 sa Barangay Amas, Kidapawan City.
Bilang isang ina, ikinabahala ng gobernadora ang nasabing insidente lalo na at karamihan sa mga nasasangkot sa mga drag racing activities ay mga kabataang wala pa sa hustong gulang at walang lisensya.
Ayon kay Governor Mendoza, kailangang paigtingin ang pagbabantay sa mga kalye lalo na at naging libangan na ngayon ng ilang mga kabataan ang mag-ala superman habang pinapaharurot ang kanilang mga motorsiklo.
Nabanggit din nito na hindi ito ang unang kaso na may namatay dahil sa nasabing aktibidad na kadalasang ginagawa sa kalagitnaan ng mga kalye at national highways.
Nanawagan din ang ina ng lalawigan sa mga magulang na imonitor ang kanilang mga anak upang malayo ito sa masamang impluwensya at bisyo na maaaring magdulot ng kapahamakan.
Ang PPOC ExeCom ay ginanap sa Amas, Kidapawan City na dinaluhan nina Board Member Sittie Eljorie Antao-Balisi, Police Regional Director XII Jimili L. Macaraeg, Cotabato Chapter Mayors League President Mayor Jonathan Mahimpit, Department of the Interior and Local Government Provincial Director Ali B. Abdullah, Cotabato Police Provincial Director PCol Harold S. Ramos, 602nd Brigade Commander BGen. Donald M. Gumiran, 1002nd Brigade Commander BGen. Patricio Ruben P. Amata, Provincial Fire Marshall Leilani Bangelis, Provincial Jail Warden Jo Anthony Gargarita at iba pang opisyal ng militar at pulis.//idcd-pgo-sotto/PhotobySMSamillano//