Tagalog News: Suporta para sa mga local artists ng lalawigan inihayag ni Governor Catamco

Amas, Kidapawan City- Espesyal na panauhin nitong araw ng Martes, Hulyo 13, 2021 ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco ang mga miyembro ng local artist sa lalawigan sa pangunguna ni Mr. Eduard Duterte.

Ipinakita ng grupo sa gobernadora ang larawan nitong ipininta ni Kent Carlo Manginsawan, 18 years old, at tubong Kidapawan City.

Ayon kay Kent, labis nitong hinahangaan ang Gobernadora dahil sa malaking puso nito lalo na sa mga higit na nangangailangan kung saan isa umano ang kanyang pamilya sa mga nabibiyayaan sa programa nito.

Masaya naman itong tinanggap ni Governor Catamco at nagpahayag ng pagsuporta sa mga local artists sa lalawigan na aniya’y isang malaking inspirasyon sa mga kabataan na magsumikap at huwag matakot abutin ang kanilang pangarap.

Dagdag pa ng Ina ng Cotabato na handa ang pamahalaang panlalawigan na tumulong sa mga local artists lalo na sa mga kabataan upang mas lalo pang malinang ang kanilang mga talento sa larangan ng sining at mapaunlad ang iba pa nilang kakayahan upang maging matagumpay sa buhay.//idcd//