Amas, Kidapawan City – Sa layuning mabigyan ng sapat, malinis at libreng makukuhanan ng tubig ang mga Cotabateรฑo, higit sa P3.9M kabuoang halaga ng water system project ang pormal ng inihandog ng pamahalaang panlalawigan nitong Sabado, Hulyo 22, 2023 sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza.
Kabilang sa mga nabiyayaan ng nasabing proyekto ang Brgy. Dado sa bayan ng Alamada at Brgy. Grebona sa bayan ng Libungan kung saan ito ay pinondohan sa ilalim ng 20% economic development fund ng pamahalaang panlalawigan.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga opisyales at residente ng mga nabanggit na barangay sa pamunuan ni Governor Mendoza dahil sa pagbibigay katuparan nito sa matagal ng inaasam ng kanilang komunidad, ang magkaroon ng mapagkukunan ng malinis na tubig.
Inilahad naman ni Governor Mendoza na ang pamahalaang panlalawigan ay bukas at handang magpaabot pa ng mga programa at serbisyo upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga barangay.
Ang naturang turnover ay sinaksihan din nina Boardmember Sittie Eljorie Antao, Provincial Advisory Council member Rosalie H. Cabaya, 34th IB Battalion Commander LTC Rey C Rico, INF (GSC), PA, Provincial Engineer Esperidion S. Taladro, Libungan Municipal Mayor Angel Rose “Apol” Cuan, Brgy. Dado Chairman Antonio C. Camino, Brgy. Grebona Chairman Gina P. Hurnoda, iba pang opisyales ng barangay at iba pang kawani ng Provincial Engineering Office (PEO).//idcd-pgo-mombay/PhotobyWMSamillano//