Amas, Kidapawan City | Hulyo 13, 2023 – Abot sa 840 na mga nasasabik na grade 5 pupils mula sa Pikit North District, Pikit South District, Pikit West District at Pikit Central District ang aktibong nakilahok sa Summer Kids Peace Camp (SKPC) 2023 na binuksan ngayong araw ng Huwebes sa Pikit Central Elementary School.
Ang pormal na pagbubukas ng aktibidad ay pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza kasama ang mga kawani ng Provincial Engineering Office at Department of Education (DepEd).
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Governor Mendoza na ang kids camp ay isang programang pangkapayapaan ng probinsya na naglalayong maituro sa mga bata sa loob ng tatlong araw na camping ang kahalagahan ng respeto at pagmamahal sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang paniniwala, tradisyon, kultura at relihiyon.
Gayun naman ang pag sang-ayon ni DepEd Schools Division Superintendent (SDS) Romelito G. Flores kung saan tiniyak nito na patuloy na makikipagtulungan ang kagawaran sa pamahalaang panglalawigan sa paghatid ng mga programang makakatulong sa paghubog ng abilidad at talento ng bawat batang Cotabateรฑo.
Nakiisa rin sa opening program sina Boardmember Edwin Cruzado, Pikit Vice Mayor Muhyryn Sultan-Casi, Matalam Vice Mayor Ralph Ryan Rafael, local government officials ng Pikit, mga Public Schools District Supervisor at mga representante mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).//idcd-pgo-delacruz//