Amas, Kidapawan City| Hulyo 4, 2023- Sa hangaring matulungan ang mga abaca farmers sa lalawigan ng Cotabato, namahagi ngayong araw ng abot sa 6,250 abaca planting materials ang Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).
Abot sa 25 benepisyaryo mula sa Brgy. Kiaring, Banisilan Cotabato ang nabiyayaan ng nasabing mga pananim na kanilang hiniling sa opisina ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza.
Naniniwala ang pamunuan ni Governor Mendoza na malaki ang potensyal ng abaca at kailangan lamang itong suportahan at bigyan ng prayoridad ng mga lokal na pamahalaan.
Ang hibla ng nasabing halaman ay ginagamit sa paggawa ng tela, lubid, basket at iba pang produkto.
Nagsagawa din ng oryentasyon ang mga personahe ng OPAg kung paano palakihin at alagaan ang nasabing halaman bago ang distribusyon.
Kung matatandaan, nito lamang nakaraang buwan namigay din ng dalawang abaca stripping machines ang pamahalaang panlalawigan para sa katutubong benepisyaryo mula sa bayan ng Magpet at Makilala na pinondohan ng abot sa 460,000.//idcd-pgo-sotto/PhotobyOPAg/