Amas, Kidapawan City – Upang matutong gumawa ng alternatibong abono ang mga magsasakang Cotabateรฑo para sa kanilang mga pananim, isang Hands-On Training on Preparation of Organic Fertilizer ang pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) nitong Hunyo 29, 2023 sa Municipal Nursery ng Midsayap, Cotabato.
Ito ay dinaluhan ng abot sa 70 na mga organic farmers mula sa iba’t ibang barangay ng nabanggit na bayan na nagnanais matuto ng mga pamamamaraan upang mas mapaganda ang tubo ng kanilang mga pananim gamit ang abono na nagmumula sa mga natural na materyales at nabubulok na basura.
Sa nasabing pagsasanay, tinuruan ang mga magsasaka sa paghahanda ng organikong abono o pataba tulad ng Fermented Fruit Juice (FFJ), Fermented Plant Juice (FPJ), Fish Amino Acid(FAA), at Calcium Phosphate na gawa sa kangkong, saging, isda, eggshell, mascovado at suka. Tinuruan din ang mga ito na gumawa ng carbonized rice hull, liquid smoke at organic compost.
Hinikayat naman ni OPAg Provincial Organic Focal Person Dina A. Lumogdang ang mga partisipante na gamitin ang mga natutunan nito sa kanilang mga sakahan dahil bukod sa malaki ang matitipid ng mga ito ay matitiyak din na ligtas sa anumang nakalalasong kemikal ang kanilang mga pananim na isa sa mga isinusulong ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ni Midsayap Municipal Organic Focal Person Jocelyn Falloran at iba pang kawani ng OPAg at OMAg-Midsayap.//idcd-pgo-mombay/PhotobyOPAg//