๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- Pagkatapos ng turnover sa Barangay San Isidro, Midsayap, Cotabato, tinungo naman ni Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza ang bayan ng Pikit, Cotabato upang iturnover ang dalawang road concreting projects na nagkakahalaga ng abot sa P25M.
Ang nasabing proyekto na pawang pinondohan sa ilalim ng 20% economic development fund (EDF) ay kinabibilangan ng 1.2 kilometrong daan mula sa Barangay Poblacion hanggang sa Barangay Gli-gli na nagkakahalaga ng P15M at ang road concreting and asphalting project sa Poblacion-Ladtingan hanggang Ginatilan na may habang 787 metro na ginastusan naman ng abot sa P10M.
Sa kanyang mensahe pinasalamatan ni Pikit Municipal Mayor Sumulong K. Sultan ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Mendoza sa buhos biyayang tulong na ipinagkaloob nito sa bayan.
Ayon sa kanya, โKasama niyo ako sa pagpapasalamat sa ating mahal na governor dahil mula pa noong congressman pa siya ay talagang malapit sa kanyang puso ang bayan ng Pikit. Maraming salamat po Gov sa inyong proyekto dito sa bayan ng Pikit.โ
Hindi rin maikubli ni Calawag Barangay Chairman Bernard Tambangan ang kanyang kagalakan dahil hindi na mahihirapan ang mga residente ng kanyang nasasakupan pati na rin ang mga kalapit lugar sa pagbibiyahe at pagluluwas ng kanilang mga produkto patungo sa bayan.
Masaya naman si Governor Mendoza, dahil isa na namang proyekto ang naipagkaloob ng probinsya para sa mga mamamayan ng bayan. Umaasa ito na ang naturang mga proyekto ay magbigay ng kaginhawaan at kaunlaran sa mga benepisyaryong komunidad.
Nakiisa rin sa turnover sina Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi, Vice Mayor Muhyryn Sultan-Casi, Provincial Advisory Council (PAC) member Rosalie H. Cabaya, Provincial Engineer Espiridion S. Taladro, imbitadong barangay officials at kawani ng Provincial Engineerโs Office (PEO).//idcd-pgo-sotto// PhotobySMNSamillano&LAdelacruz//