Amas, Kidapawan City| Hunyo 18, 2023- Masayang alaala at bagong kaalaman ang babaunin ng 1,200 na batang Tulunense sa kanilang pag-uwi sa pagtatapos ng Summer Kids Peace Camp sa bayan ng Tulunan ngayong araw.
Malaki ang pasasalamat ng mga batang kalahok lalung-lalo na kay Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo-Mendoza dahil sa pagsisikap nitong maiparanas ang isang programang makakatulong sa kanila upang maging isang responsable at mabuting mamamayan.
Sa tatlong araw na pamamalagi at pagsasama-sama, natutunan ng mga ito ang kahalagahan ng mga salitang respeto, pagtutulungan, pagmamahal at pakikipag-kapwa na mahalaga sa pagbuo ng mapayapa at maunlad na lalawigan.
Pinarangalan din ngayong araw ang mga batang namumukod tangi at nagpakita ng kahusayan sa iba’t-ibang aktibidad na inihanda ng probinsya sa pangunguna ng Office of the Provincial Accounting (PACCO) katuwang ang Department of Education (DepEd) at ang opisina ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliรฑo-Santos.
Sa mensahe ni Governor Mendoza, pinasalamatan nito ang lahat ng mga guro na siyang nagbantay sa mga campers pati na rin ang pwersa ng Philippine National Police (PNP), Bureu of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang partisipasyon upang masiguro ang kaligtasan at maayos pagsasagawa ng naturang aktibidad.
Ang pagtatapos na programa ay dinaluhan din nina Tulunan Vice Mayor Abraham Contayoso, Boardmember Ivy Martia Lei Dalumpines Balitoc, Liga ng mga Barangay Provincial Federation President Phipps T. Bilbao, District Supervisors ng tatlong distrito, School heads, Municipal Councilors at mga opisyal ng PNP, BFP at AFP.//pgo-sopresencia/idcd-sotto Photoby: WMSamillano and PACCO//