Amas, Kidapawan City | Hunyo 14, 2023- Bilang bahagi ng pakikiisa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pagdiriwang ng Adoption and Alternative Child Care Week (AACCW) ngayong linggo, isang information dissemination campaign ang sinimulan kahapon at matatapos nitong Biyernes, ika-16 ng Hunyo, 2023 na pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Ayon kay Acting PSWDO Chief Arleen A. Timson ang naturang aktibidad ay alinsunod sa Republic Act (RA) 11642 or the “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act,” kung saan itinalaga ang pangalawang Linggo ng buwan ng Hunyo taon-taon bilang pagdiriwang ng AACCW sa layunin na maitaguyod at maisulong ang legal na pag- aampon at alternatibong pangangalaga para sa mga batang Pilipino.
Dagdag pa ni Timson na maliban sa information drive na isinagawa sa ibat ibang mga bayan sa probinsya ay magkakaroon din ng
dalawang araw na help desk sa KMCC sa syudad ng Kidapawan ngayong darating na Huwebes at Biyernes kung saan layunin nito na matulungan ang mga Cotabateños na may mga katanungan hinggil sa
adoption at alternative child care at mamimigay din sila ng mga babahasin tungkol dito.
Sentro ng pagdiriwang ngayong taon ay ang temang- Journeying Together: Discovering the New Law and Celebrating Legal Adoption.//idcd-pgo/dalumpines//Photo by: PSWDO