Gov. Mendoza nagpaabot ng P100K na tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao

Amas, Kidapawan City – Sa adhikain ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na matulungan ang mga mamamayan ng karatig probinsya ng lalawigan na naapektuhan ng Bagyong Paeng, ipinaabot nito ang P100,000 sa pamahalaan ng Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang naturang tulong pinansyal na gagamitin ng nasabing lokal na pamahalaan sa pagpapaabot ng karagdagang tulong sa mga nasasakupan nitong lubhang naapektuhan ng Bagyong Paeng noong nakaraang taon ay masayang tinanggap at pinasalamatan ni Datu Blah Sinsuat Municipal Accountant Bairiya M. Pangilan.

Ito ay sinaksihan nina Acting PDRRMO Head Arnulfo Villaruz, Provincial Governor’s Office-Muslim Affairs Head Edris Gandalibo at iba pang kawani ng nasabing lokal na pamahalaan.//idcd-pgo-mombay/PhotobyPDRRMO//