Amas, Kidapawan – Kasabay ng pamamahagi ng serbisyong medikal ng mga kawani ng probinsya sa mga residente ng Barangay Luna Sur, Makilala, Cotabato ay nagsagawa din ang grupo ng isang feeding program para sa lahat ng mga kabataan ngayong araw, Hunyo 13, 2023.
Layunin nitong masolusyonan ang problema sa malnutrisyon ng probinsya at matutukan ang malusog na pangangatawan ng kabataan.
Sa isinagawang aktibidad, 72 na mga kabataan ang tumanggap ng masustansiyang pagkain na inihanda ng Serbisyong Totoo volunteers kasama ang mga Barangay Health Workers (BHWs).
Samantala ang Medical-Dental Outreach program naman ng probinsya ay masayang napakinabangan ng mahigit 300 na mga indibidwal ng nabanggit na barangay.
Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay dahil sa inisyatibo at pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza katuwang ang Integrated Provincial Health Office (IPHO).
Bukas tutungo naman ang grupo sa Barangay Busaon, Banisilan, Cotabato upang ipagpatuloy ang pamamahagi ng iba’t-ibang serbisyo.//PGO-Sopresencia Photoby:IPHO//