๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| Abril 13, 2023– Sumailalim nitong Miyerkules ang apatnapung (40) drayber ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa refresher course on safety driving na pinangunahan ng Provincial Human Resource and Management Office (PHRMO).
Ang nasabing training ay batay na rin sa direktiba ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza na naglalayong tiyakin na ang bawat drayber ng kapitolyo na nagmamaneho ng pulang plaka o red plate ay mayroong sapat na kaalaman hinggil sa batas trapiko, tama at ligtas na pagmamaneho at wastong pagmementena at pag-aalaga ng sasakyan.
Ayon kay PHRMO Supervising Administrative Officer Reinalyn F. Nicolas, mahalaga ang nasabing training para mga drayber lalo na at nakasalalay sa mga ito ang kaligtasan ng kanilang pasahero na naghahatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga pamayanan.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Joel C. Gaquing service driver na naitalaga sa opisina ng PHRMO, sa pagkakataong ibinigay sa kanila na sumailalim sa refresher course.
Naging resource speaker sa pagsasanay sina, LTO Kidapawan District Head Genalinda P. Ganotice at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Technical Expert Henry M. Causing na nagbigay ng kanilang inputs hinggil sa Traffic Rules and Effective Defensive Driving at Preventive Maintenance and Safety Driving and Road Health and Safety Practices.
Nasa nasabi ring aktibidad si Supervising Administrative Officer Jeana D. Soliman at iba pang personahe ng PHRMO.//idcd-pgo-sotto//