Amas, Kidapawan City | April 13, 2023 – Isinagawa ang Social Pension Consultation Meeting nitong Ika-5 ng Abril na dinaluhan ng mga senior citizen program consultants, at iba pang mga stakeholders na magiging bahagi ng implementasyon ng nasabing programa.
Sa nasabing pagpupulong, nagbigay ng oryentasyon si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Senior Citizen Focal Ms. Labinia B. Bañes, RSW patungkol sa social pension program, payout scheme at prescribed form for disbursement and liquidation.
Ang Social Pension ay isang pinansyal na tulong ng gobyerno sa halagang limang daang piso (P500.00) kada buwan para sa mga mahihirap na senior citizen na kung saan abot sa 95,868 ang benepisyaryo ng programa sa lalawigan.
Kasama sa pagpupulong sina Senior Citizen Consultants Former Pigcawayan Mayor Eliseo Garcesa Jr. at Former Aleosan Mayor Vicente Sorupia Jr., Acting Provincial Treasurer Gail Ontal, Provincial Accountant Marelyn Balagot, Acting Provincial Social Welfare and Development Officer Arlene Timson, representante mula Provincial Budget Office, Provincial Advisory Council Members Albert Rivera at Former Board Member Rosalie H. Cabaya.//idcd-catalan//