๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| Abril 11, 2023– Sa ilang dekadang paghihintay mapapakinabangan na ngayon ng Brgy. North Manuangan, Pigcawayan, Cotabato ang kanilang bagong konkretong daan na pinondohan sa ilalim ng 2022 20% economic development fund (EDF) ng probinsya.
Ito ay may habang 530 metro na nagkakahalaga ng abot sa P5M na magagamit na ng 2,800 na residente ng nabanggit na barangay.
Personal na nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Punong Barangay Alfonso Sidayon, kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo sa agaran nitong pagtugon sa kanilang kahilingan na mapakonkreto ang kanilang barangay road.
“Dako gid ang amon nga pasalamat kay Gov. Lala sa iya pagtubag sa amon panginahanglanon diri sa barangay. Pagkatapos sang pila katuig nga pagsakripisyo sa dalan, mapuslan na gid namon karon,” pahayag ni Sidayon.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Mendoza na ang tagumpay ng kanyang administrasyon ay nakasalalay sa tulong at kooperasyon ng mga opisyal at residente ng mga barangay.
Pinaalalahanan niya rin ang mga barangay at bayan na benepisyaryo ng mga programa ng probinsya na tulungan siyang imonitor kung maayos bang naipapatupad ang mga proyekto ng pamahalaan sa kanilang nasasakupan.
Nakiisa din sa naturang aktibidad sina 1st District Board Members Roland Jungco at Sittie Eljorie Antao, Pigcawayan Mayor Juanito Agustin, Former Board Member Rosalie Cabaya at ilang miyembro ng sangguniang bayan.//idcd-pgo-sotto//