Amas, Kidapawan City| Marso 27, 2023- Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Provincial Peace and Order Council (PPOC) Chair at Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza sa insidente ng pamamaril sa Brgy. Kolambog, Pikit Cotabato na ikinasira ng isang ekwipo ng Provincial Engineers Office (PEO).
Ito ang inihayag ng gobernadora sa isinagawang PPOC Meeting ngayong araw, sa Tuburan Hall, Amas, Kidapawan City na dinaluhan ng mga punong ehekutibo mula sa ibaโt ibang bayan, matataas na opisyal ng military, police at iba pang stakeholders.
Batay sa report ni Cotabato Police Provincial Director PCol. Harold S. Ramos, bandang alas 7:30 ng umaga nitong Marso 24, 2023 ng makatanggap ng report ang Pikit Municipal Police Station hinggil sa pamamaril sa isang BPAT Member sa nasabing barangay na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo sa area kung saan aksidenteng tinamaan ang grader na nakaparada malapit sa pinangyarihan ng insidente na pag-aari ng provincial government.
Ayon kay Mendoza, hindi tama na idamay sa anumang hidwaan o gulo ang programa at proyekto ng gobyerno na ang nais lamang ay maghatid ng ginhawa at serbisyo sa mga komunidad.
Dagdag pa niya, na ang lalawigan ay nagsisikap na matugunan ang pangangailangan ng bawat munisipyo lalo na sa usaping pagsasaayos ng mga daan upang hindi mahirapan ang mga commuters sa kanilang pagbibiyahe at mas maging madali para sa mga magsasaka ang pagluluwas ng kanilang mga produkto.
Naghain naman ng kanyang mosyon, si PPOC Vice Chair at Vice Governor Efren F. Piรฑol kung saan nirekomenda nito na pansamantalang suspendehin ang pagsasaayos ng daan sa nasabing barangay habang iniimbestigahan pa ang insidente para na rin sa kaligtasan ng mga kawani ng PEO at mapangalagaan ang ekwipong pag-aari ng probinsya, na kalaunan ay sinang-ayunan naman ng iba pang miyembro ng konseho.
Sa kabila ng nangyaring insidente, nagpaabot pa rin ng kanyang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Pikit si Governor Mendoza sa mga inisyatibo at pagsisikap nito na matuldukan ang serye ng pamamaril at kaguluhan sa bayan.
Nasa nasabi ring pagpupulong sina Eastern Mindanao Command Lt. Gen. Greg. T. Almerol, 6th Infantry Division Commander MGen. Alex S. Rillera, 10th Infantry Division Commander MGen. Jose Eriel M. Niembra, 602nd Brigade Commanding Officer Donald M. Gumiran, 1002nd Brigade Commanding Officer Col Patricio Ramos, 92nd Infantry Battalion Commanding Officer LTC Rommel Agpaoa, 72nd Infantry Battalion Commanding Officer LTC Julius C. Paclibar at 39th Infantry Battalion Commanding Officer LTC Ezra L. Balagtey.//idcd-pgo-sotto/photoby RSopresencia//