Amas, Kidapawan City | Marso 24, 2023 – Matagumpay na naisagawa nitong Marso 22-23, 2023 ang Skills Training on Cornik Processing and Packaging ng Food and Agriculture Organization (FAO) of the United Nations- Philippines sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ito ay nilahukan ng nasa 28 na mga kababaihan mula Kibenes at Port Pikit Farmer’s Association mula sa bayan ng Carmen at Pikit kung saan sila ay tinuruan sa paggawa at pagproseso ng cornik.
Naibahagi din sa kanila ang tamang packaging nito upang maging kaaya-aya ito sa mga mamimili.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong buwan kung saan isa sa mga isinusulong ni Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang mga programang makakatulong para sa sektor ng kababaihan.
Ito ay ginanap sa White Hut Inn & Resort sa bayan ng Midsayap, Cotabato na dinaluhan nina Rural Improvement Club Coordinator Norberta M. Tahum at iba mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at FAO.//idcd-pgo-mombay//