๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ ๐—ฑ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—ฃ

๐€๐ฆ๐š๐ฌ, ๐Š๐ข๐๐š๐ฉ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ| ๐Œ๐š๐ซ๐ฌ๐จ ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘-Dumalo si Cotabato Governor Emmylou โ€œLalaโ€ Taliรฑo Mendoza sa isinagawang pagpupulong ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) and Other Leaguesโ€™ Executive Directors and Governors nitong Martes, Marso 7, 2023 na ginanap sa PNP Main Conference Room, 3rd Floor NHQ Building, Camp BGen Rafael T. Crame Quezon City.

Naging sentro ng nasabing meeting ang isyu sa mga insidente ng pamamaril at pagpaslang sa mga lokal na opisyal na naitala sa ilang lugar sa bansa kung saan nagbigay ng update hinggil dito si PMGen. Emmanuel B. Peralta Director for Operations ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang naging pahayag tiniyak ni PMGen. Peralta na ang hanay ng kapulisan ay hindi titigil sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hanggang hindi nareresolba at nakakamatan ng mga kapamilya ng biktima ang hinihingi nitong hustisya.

Siniguro naman ng mga local chief executives na dumalo sa nasabing pagpupulong na handa silang tumulong lalo na sa pagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa imbestigasyon at madaliang pagresolba ng kaso.

Kung matatandaan mariing kinondena nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., Vice President Sara Duterte Carpio at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno kabilang na rito si Governor Mendoza ang serye ng pamamaril at pamamaslang sa ilang mga lokal na opisyal na may malaking responsibilidad na ginagampanan sa kanilang mga nasasakupan.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin C. Abalos, Jr. kasama ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), Leagues Executive Directors at gobernador mula sa ibaโ€™t ibang pobinsya.//idcd-pgo-sotto//