๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐๐๐ซ๐๐ซ๐จ ๐5, ๐๐๐๐- Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng mga puso kahapon, abot langit na pasasalamat ang ipinaabot ng mga residente ng Purok 2, Brgy. Magsaysay, Antipas, Cotabato, matapos iturnover sa kanila ngayong araw ang P1.5M water system project mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.
Ayon kay Ginang Wilma Dela Cruz, isa sa mga residente, sila ay gumagastos ng halos P3,000 kada buwan sa pagpapa-igib ng malinis at maiinom na tubig na may layong higit sa isang kilometro mula sa kanilang purok.
Ayon sa kanya, ” Gabayad kami sang P25 per container kag almost P3,000 kada bulan para lang sa pagpasag-ob sang tubig. Sa tuod lang mas maayo pa ang waay kuryente, kaysa wala tubig.”
Hindi rin maikubli ni Ginoong Romeo T. Mationg, 65, residente din ng nasabing Purok ang kanyang kagalakan dahil sa ilang taon na pagtitiis magkakaroon na rin sila ng malinis at maiinom na tubig na matagal na nilang pinapangarap.
“Kinahanglan gid namon magbaklay sang sobra isa ka kilometro para lang maghakot sang tubig. Sa pag-abot sining water system project diri sa amon lugar dako na gid ni mabulig sa amon,” wika ni Ginoong Mationg.
Sa kanyang mensahe, binati ni 2nd District Board Member Ryl John Caoagdan kinatawan ni
Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza ang 40 pamilya na siyang pangunahing makikinabang sa nasabing proyekto.
Sinabi nito na ang nasabing proyekto ay nagpapakita lamang na sinsero ang serbisyong totoo sa paghahatid ng pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Pinaalalahanan din niya ang mga ito na ingatan ang proyektong ibinigay sa kanila ng lalawigan.
Nasa nasabi ring turnover si Antipas Municipal Councilor Ronie Magbanua, Provincial Engineer Esperidion Taladro, Purok 2 President Arnaldo P. Gasit, opisyal ng barangay at kawani ng Provincial Engineer’s Office. //idcd-pgo//