Amas, Kidapawan City | Pebrero 8, 2023 – Isang pagpupulong ang isinagawa nitong Lunes ng pamahalaang panlalawigan para sa mga Local Economic Development and Investments Promotion Officers (LEDIPOs) ng iba’t ibang bayan ng probinsya.
Ito ay pinangunahan ng Cotabato Province Investment and Promotions Center (CPIPC) kung saan tinalakay rito ang mga paghahanda para sa Kalivungan Festival 2023 at mga programa/aktibidad sa ilalim ng CPIPC.
Napag-usapan din ang gagawing data profiling ng mga LEDIPOs upang makakuha ng kumpletong datos at bilang ng mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa bawat bayan ng lalawigan na gagamitin ng pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng angkop na programa at proyekto para sa maliit na mamumuhunan.
Ayon kay Micro, Small and Medium Development Council Permanent Designate Mabel Lynne Calungsod, prayoridad ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza na palakasin at makilala ang mga lokal na produkto sa lalawigan at ito ay magiging posible lamang kung bibigyan ng sapat na suporta at tulong ang mga local MSMEs na malaki rin ang papel sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Ito ay ginanap sa 3rd Flr. Capitol Annex Bldg., Amas, Kidapawan City na dinaluhan nina CPIPC Head Norito T. Mazo, DMO II Margian Warner at Private Sector Representative Teresita Espaรฑol.//idcd-pgo//