๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ซ๐จ 6, ๐๐๐๐ โPansamantalang ipinagbabawal ng pamahalaang panlalalawigan ng Cotabato ang pagpasok ng rubber planting materials mula sa probinsya ng Basilan at Zamboanga Peninsula na kinabibilangan ng: Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay at limang syudad ng Isabela, Dapitan, Dipolog, Pagadian at Zamboanga City, dahil sa kaso ng โPestaloptiopsisโ leaf fall disease na pinangangambahan ngayon ng mga rubber farmers sa lalawigan.
Ito ay upang mapigilan ang pagpasok ng nasabing sakit sa lalawigan at maprotektahan ang rubber industry na kinikilala bilang isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan.
Ang hakbang na ito ay batay sa Executive Order 11, series of 2023, na nilagdaan ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ J. Talino-Mendoza, nitong Pebrero 3, taong kasalukuyan, kasunod na rin ng kahilingan ng Department of Agriculture Regin XII, sa liham na ipinaabot nito sa tanggapan ng gobernadora na i-alerto ang city/municipal agriculturists na nasasakupan nito at pansamantalang ipagbawal ang pagpasok ng mga rubber planting materials mula sa mga nabanggit na probinsya upang maiwasan ang nasabing sakit na maaaring magresulta sa pagbaba ng dagta o produksyon ng goma.
Sa pamamagitan ng EO 11 na ipinalabas ni Governor Mendoza, inatasan nito ang Office of the Provincial Agriculturist (OPag) na gawin ang sumusunod:
1.Magsagawa ng istriktong inspeksyon at closed monitoring para maiwasan na makapasok sa probinsya ang mga rubber planting materials partikular na mula sa probinsiya ng Basilan at Zamboanga Peninsula;
2. I-alerto ang lahat ng city/municipal agriculturists na bantayang mabuti ang posibleng infection ng Pestaloptiopsis sa mga rubber plantation at nurseries na nasasakupan nito;
3.At pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture-Bureau of Plant and Industry, City/Municipal Agriculturist at Cotabato Police Provincial Office para sa agad na pagpapatupad ng nasabing kautusan.
Matatandaan bago pa man nagpalabas ng EO 11 si Mendoza, ay pinulong na nito ang mga rubber stakeholders ng lalawigan kasama ang ilang eksperto nitong Martes, Enero 31, 2023 upang pag-usapan ang magiging hakbang ng probinsya para maiwasan ang nasabing sakit. //idcd-pgo//