๐๐ฆ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐๐ฉ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ข๐ญ๐ฒ| ๐๐ง๐๐ซ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐- Pinuri ni Cotabato Governor Emmylou โLalaโ Taliรฑo Mendoza ang mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian partikular na ang mga kawani sa Veterinary Quarantine Facilities (VQF) na nakahimpil sa ibaโt ibang provincial borders dahil sa magandang performance nito sa pagpapatupad ng veterinary quarantine protocols sa probinsya.
Sa isinagawang flag raising ceremony ngayong araw sa loob ng Provincial Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City, personal na pinasalamatan ni Mendoza ang mga kawani ng nasabing pasilidad sa pagsisikap nitong mapigilan ang pagpasok ng nakakahawang sakit sa mga hayop sa lalawigan.
Ang nabanggit na pasilidad ay matatagpuan sa Barangay Dallag, Kabalantian at Katipunan, Arakan; Gastav, Banisilan; Tambad, Carmen; Bulatukan, Makilala; Central Panatan, Pigcawayan; Salunayan, Midsayap; at Bual, Tulunan.
Batay sa 2022 accomplishment report na isinumite ng OPVet sa opisina ng gobernadora, abot sa 15,308 kilos na pork chorizo, chicharon, pork meat and pork by-products ang nakumpiska ng mga personahe ng OPVet noong nakaraang taon.
Higit kumulang naman sa 4,645 heads ng hayop (baka, baboy, manok, kalabaw) ang nakumpiska at na apprehend ng opisina matapos hindi sumunod ang mga may ari nito sa vetereniary quarantine protocols na itinaknada ng pamahalaang panlalawigan sa pagdaan sa mga provincial borders.
Abot naman sa 30,872, 140 na mga hayop at 27,298,814 kilograms na animal meat products and by-products na dumaan sa VQF ang pinagsikapang inspekyunin ng mga personahe ng OPVet matiyak lamang na kumpleto ito sa rekisitos at ligtas sa anumang nakakahawang sakit sa hayop.
Kung matatandaan, sa unang buwan ng panunungkulan ni Mendoza isa sa mga una nitong tinutukan ay ang mahigpit na pagpapatupad ng Veterinary Quarantine Protocols sa mga provincial borders na nakabatay na rin sa Provincial Ordinance No.558, series of 2015 at Provincial Ordinance 656, series of 2021 upang maiwasan ang muling pagkalat ng African Swine Fever at Avian Flu sa lalawigan na malaki ang naging epekto sa sektor ng livestock industry. //idcd//