Amas, Kidapawan City | Enero 19, 2023 – Namahagi ng abot sa P110,000 kabuoang halaga ng tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa kapamilya ng mga naging biktima ng sagupaan sa pagitan ng CAFGU at lawless group sa Brgy. Tapodoc, Aleosan nitong Disyembre 9, 2022.
Ang nasabing pamamahagi ay ginanap nitong Enero 18, 2023 sa 90th IB Batallion, Brgy. Ladtingan, Pikit, Cotabato kung saan sa sampung (10) mga naging biktima, isa (1) ang nagmula sa Brgy. Kolambog, Pikit, Cotabato na nakatanggap ng P20,000 samantalang ang siyam (9) naman ay nagmula sa Brgy. New Valencia, Bualan Pikit na sakop na ng BARMM na nakatanggap ng tig P10,000.
Nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa mga kapamilya ng mga biktima si Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza sa pamamagitan ni PGO- Muslim Affairs Division Head Edris P. Gandalibo.
Hangad nito na matuldukan na ang anumang mga kaguluhan upang magkaroon ng kapayapaan sa lugar at hindi rin maapektuhan ang mga inosenteng residente sa mga nabanggit na barangay.
Pasasalamat din ang ipinaabot ni Pikit MDRRMO Engr. Sheila Andao sa tulong na ibinigay ng pamahalaang panlalawigan sa naapektuhan ng nasabing insidente.
Nasa naturang aktibidad sina PDRRMO Head Arnulfo Villaruz, 90th IB Alpha Company Commanding Officer 1LT Rhoben C. Suva, at iba pang mga kawani ng PDRRMO, Pikit MDRRMO at Provincial Treasurer’s Office.//pgo-idcd//