๐—ง๐˜‚๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ป๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ฆ๐—  ๐—–๐—”๐—”๐—” ๐—ฐ๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐˜ ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ

Amas, Kidapawan City| Disyembre 16, 2022- Pinangunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza at University of Southern Mindanao (USM) President Francisco Gil N. Garcia nitong Huwebes, Disyembre 15, 2022 ang ribbon cutting at turnover ceremony ng USM College of Agriculture Alumni Association (CAAA) Covered Court sa bayan ng Kabacan, Cotabato.

Sa isang simpleng programa pinasalamatan ni USM President Garcia si Governor Mendoza sa walang sawang suporta nito sa unibersidad .

Sinabi rin nito na ang ipinatayong covered court na pinondohan ng gobernadora ng abot sa P6.9M ay malaki ang tulong lalo na sa iba’t ibang school activities na isinasagawa sa loob ng school campus.

Sa kanyang mensahe, masaya naman si Governor Mendoza dahil sa wakas ay natapos na rin ang maituturing na isa sa pinakamalaking covered court sa loob ng USM na ayon sa kanya ay malaki ang kaginhawaang maidudulot sa mga mag-aaral at guro lalo na sa panahon na mayroong aktibidades.

Makakaasa din ang unibersidad na patuloy na makikipagtulungan ang pamahalaang panlalawigan sa lahat ng pagsisikap nito upang makapagbigay ng dekalidad at maayos na edukasyon sa kabataang Cotabateรฑos.

Nasa nasabi ring pagtitipon bilang kinatawan ni 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Santos si Board Member Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc, USM CAAA, Inc. 2007-2022 President Director Benjamin John C. Basilio, Christ the King Parish Priest Rev. Fr. Charles Allan E. Nemenzo, JCL, DCK, College of Agriculture Dean Dr. Julius Jerome G. Ele, mga guro at estudyante ng USM-College of Agriculture.//idcd-pgo//