Amas, Kidapawan City- “Ang pagsasaka ay nakadepende sa ating kalikasan at sa mga challenges na kinakaharap natin ngayon gaya ng climate change apektado tayong lahat.”
Iyan ang sentro ng naging mensahe ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliรฑo Mendoza sa pagbubukas ng 7th Sustainable Ecological Agriculture (SEA) Summit and World Food Day Celebration na ginanap SCC Fellowship Center sa bayan ng Midsayap Cotabato nitong Miyerkules, Oktubre 19, 2022.
Ayon sa gobernadora, napapanahon ang pagsasagawa ng nasabing aktibidad lalo na ngayong nakakaranas ng matinding pagbabago sa klima o climate change ang mundo na bunga ng pang aabuso sa kalikasan at paggamit ng mga pestisidyo o mga chemicals na nakakasira sa kalusugan ng tao at iba pang buhay na organismo.
Sinabi rin nito na ang pagsusulong ng sustainable ecological agriculture ay malaki ang maitutulong hindi lamang sa problemang dulot ng pagbabago ng panahon kundi sa pagpapanatili ng sapat at ligtas na pagkain sa hapag ng bawat Cotabateรฑo.
Nabanggit din ng gobernadora na mahigpit na minamanmanan ng kanyang tanggapan ang mga land conversions, ayon sa kanya, “Ang ating probinsya ay mahigpit na minomonitor ang land conversions lalo na kung agricultural land siya dahil baka magising na lang tayo isang araw na wala na tayong lugar for food production.”
Nanawagan din ito ng partisipasyon at pagtutulungan ng bawat Cotabateรฑo na ayon sa kanya ay malaki ang papel sa pagtiyak ng food security sa pamamagitan ng pagsusulong ng organikong pagsasaka.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng abot sa 600 partisipante mula sa mga bayan ng Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap, Aleosan, Pikit, Banisilan at Carmen.
Ito ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng SCC, Bread for the World Germany, Palma-PB Alliance, Aleosan, Department of Agriculture, SOXAARDEC at Sustainable Ecological Agriculture.
Tema ng 7th SEA Summit 2022: “Organic Agriculture: Achieving Food Security and Healthy Environment.”//idcd-pgo//