Amas, Kidapawan City- Nagpakitang gilas sa drum and lyre exhibition ang walong mga munisipyo ng probinsya sa pagtatapos ng pagdiriwang ng ika-108 Founding Anniversary ng lalawigan ng Cotabato nitong Huwebes, Setyembre 1, 2022.
Ito ay ginanap sa Provincial Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City na sinaksihan ng libu-libong mamamayang Cotabateños mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
Kabilang sa mga drum and lyre corps na nakiisa at nagbigay ng kanilang presentasyon ay ang sumusunod: Aleosan National High School (Aleosan), Carmen Northwest Central Elementary School (Carmen), Libungan National High School at Godofredo Calabroso Elementary School (Libungan), Makilala Central Elementary School (Makilala), Pigcawayan Central Elementary School (Pigcawayan), Tulunan Elementary School (Tulunan), Makilala Central Elementary School (Makilala) at Kidapawan City National High School (Kidapawan City).
Nagbigay din ng kulay sa selebrasyon ang presentasyon ng CFCST Pikit na nag champion sa T’nalak Festival sa South Cotabato at 1st runner up sa Kadayawan Festival sa Davao City.
Nag perform din ang Youth Performing Arts Guild ng Kidapawan City na nag 1st runner up sa T’nalak at nag 2nd runner up naman sa Kadayawan.
Samantala ipinakita din ng Dilanggalen National High School, ng bayan ng Midsayap ang kanilang ipinagmamalaking Halad Festival dance performance.
Naging panauhing pandangal sa pagdiriwang ngayong araw si Vice President Sara Z. Duterte na nagpaabot din ng kanyang personal na pagbati at pasasalamat kay Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at sa lahat ng Cotabateño sa pagmamahal at suportang ipanakita sa kanya noong nakaraang halalan.
Ang labing isang delegado na nagbigay ng aliw ngayong araw ay nakatanggap ng tig P80,000 o may kabuoang halaga na P880,000 mula sa tanggapan ni Vice President Duterte (P30,000) at Governor Mendoza (P50,000) bilang pasasalamat sa partisipasyon at pakikiisa nito sa pagdiriwang ng probinsya.
Tema ng Kalivungan Festival ngayong taon: Matatag na Cotabato: Susulong sa anumang hamon.//idcd//