Amas, Kidapawan City (Agosto 1, 2022)- Labis na ikinatuwa ni Cotabato Governor Emmylou Taliรฑo Mendoza ang tagumpay na nakamit ng 481 na mga iskolar ng probinsya na nagtapos sa kolehiyo ngayong taon.
Batay sa talaan na isinumite sa tanggapan ng gobernador, sa 481 na nagsipagtapos para sa SY 2021-2022, siyamnapu’t siyam (99) rito ang pinarangalan kung saan labing apat (14) ay magna cum laude at walumput lima (85) naman ang Cum laude.
Ang nasabing mga mag-aaral ay nagmula sa University of Southern Mindanao- Main Campus sa bayan ng Kabacan, USM- Kidapawan City Campus sa lungsod ng Kidapawan, Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa bayan ng Arakan at Makilala Institute of Science and Technology sa Makilala.
Ayon kay Mendoza isang karangalan para sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na makapagbigay ng oportunidad sa mga poor but deserving student ng lalawigan sa pamamagitan ng “study now pay never” scholarship program ng probinsya.
๐๐ฎ๐๐๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ
โThe provincial scholarship program gave me hope to pursue my dreams.โ
Ito ang naging pahayag ni George Stephen Keith P. Lasaga, 22, mula sa Brgy. Basak Magpet, Cotabato, nagtapos bilang Cum laude sa kursong Bachelor of Science in Management Accounting sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.
Ayon kay George, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pag-abot ng kanyang pangarap lalo na at lumaki siya sa mahirap na pamilya.
โI was raised by poor family, my parentsโ income is not enough to cover our daily expenses but those challenges inspired me to pursue my dreams,โ pahayag ni George.
Pasasalamat din ang ipinaabot ni Ailyn Ore Besoyo,ng Brgy. Nueva Vida, Mโlang Cotabato na nagtapos ng Cum laude sa kursong Bachelor of Secondary Education, Major in Social Studies sa University of Southern Mindanao Kidapawan City Campus.
โI would like to express my heartfelt gratitude to the people behind this program, especially to Governor Lala Talino-Mendoza for giving me the opportunity to have a better future,” wika ni Ailyn.
Samantala, taos-puso ring nagpasalamat sa probinsya si Roderic E. Dela Torre, 23, mula naman sa Brgy. Malire, Antipas, Cotabato, Cum laude, at nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Social Work sa CFCST dahil sa malaki ang naitulong ng probinsya sa kanyang pagtatapos.
Ayon sa kanya, “Dahil sa scholarship program ng probinsya hindi masyadong nahirapan ang mga magulang ko sa mga gastusin ko sa pag-aaral.”
Ang provincial scholarship program ay isa sa mga programa ng provincial government na may layuning matulungan ang mga estudyanteng Cotabateรฑo na poor but deserving na makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Php6,000 na allowance kada semester.//idcd//