Sumalili, Arakan Cotabato (Nobyembre 17, 2021) – Isa na namang malayong barangay sa probinsya ang nabiyayaan ng iba’t ibang serbisyo at programa ng pamahalaan bilang benepisyaryo ng Ending Local Communist Armed Conflict (ELCAC) program.
Sa pangunguna ni Governor Nancy A. Catamco kasama ang Armed Foces of the Philippines at kinatawan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan tinungo nitong araw ng Martes, Nobyembre 16, 2022 ang Brgy. Sumalili, Arakan, Cotabato upang isagawa ang Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabato Lokal Serbisyo Caravan (NAC-LSC) at ibigay ang pangunahing serbisyo na kailangan ng komunidad.
Ang Brgy. Sumalili, ay isang IP community at isa sa mga pinakamalayong barangay sa lalawigan kung saan kailangan pang dumaan sa boundaries ng Davao at Bukidnon Province bago makarating sa nasabing komunidad at may abot sa 768 pamilyang naninirahan dito.
Pangunahing pinagkukunan ng pagkakakitaan ay ang pagsasaka ng mais at gulay kaya namahagi sa naturang aktibidad ng libreng binhi ng mais, fruit trees and vegetables seedlings, fertilizers, at livestock (goat) ang pamahalaang panlalawigan bilang pandagdag kabuhayan para sa mga katutubo.
Namigay rin ng buntis kits, assorted medicines, vitamins, oral hygiene kits, trapal, disaster preparedness handbooks, at P280,000 entrepreneurial cash assistance.
Nagsagawa din ng random Covid-19 vaccination sa naturang barangay ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) kung saan 176 na mga residente kasali na ang mga batang edad 12-17 years old ang nakatanggap ng kanilang 1st dose ng pfizer vaccine.
Pinasalamatan naman ni Governor Catamco ang mga lokal na opisyal ng Brgy. Sumalili sa pagtulong upang maabot ang mithiin na mawakasan ang insurgency at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pag-asikaso ng mga kaukulang dokumentong kinakailangan.
“Ang pagkab-ot sa tinuod nga kalinaw nakadepende sa inyong kooperasyon ug panaghiusa sa barangay kay bisan unsaon pa namo pagpaningkamot kauban ang mga sundalo ug kapulisan kung dili mo mutabang, lisod nato makab-ot ang atong tumong, ” pahayag ni Governor Catamco.
Hindi naman maikubli ni Brgy. Sumalili Chairman Jhenevy M. Diamante ang kanyang saya at sinabing, “walang imposible sa gobyernong nagmamalasakit at nais ipadama ang serbisyong nararapat para sa tao.”
Ipinaabot din ni Kapitan Diamante ang pasasalamat sa pamunuan ni Governor Catamco sa pagsusulong ng programa ng EO-70 ng nasyunal na pamahalaan upang matulungan na makabangon ang mga conflict-affected communities sa lalawigan.
Nakiisa rin sa naturang aktibidad sina Board Members Philbert Malaluan at Ma. Krista Pinol-Solis, Arakan Vice Mayor Jenefier Anarna, Deputy Commanding Officer 1002nd Infantry Brigade Col. Ted Domusmog, Police Provincial Director Henry Villar, Former Provincial Administrator Efren F. In Piñol, Former Food Security Head Basilio “Jun” Obello,at mga barangay officials.//idcd//
2 thoughts on “IP community sa Arakan binigyan ng iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno”
SALAMAT NG MARAMI GOV. NANCY A. CATAMCO KAHIT NAPAKALAYO NG BRGY NAMIN KAYO AY NAKAPUNTA. MASAYA KAMI SA PAG PUNTA MO GOV. WELCOME KA ALWAYS SA BRGY SUMALILI ARAKAN NORTH COTABATO.
MALAKING TULONG POOO KASI NAPAKALAYO PARA SA AMIN ANG KUKUHA NG LIKE PSA, MAHIRAP KASI BOMYAHE DAHILAN NG PANDEMYANG ITO.
KAYA NAG PAPASALAMAT KAMI NG MARAMI SA INYOO GOV. DAHIL KAYO NA NAG PUNTA SA AMING LUGAR KAHIT NAPAKALAYO SUBRAA..SALMAAT SLAAMT WE LOVE YOU GOV. NANCY CATAMCO