
Amas, Kidapawan City- Pagkatapos ng ilang buwang pagsasagawa ng kanyang thesis research na may pamagat na “Political Branding of Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza: The Use of a Tagline as a Symbol of Political Platform Authenticity, muling binisita ngayong araw, Marso 5, 2025 ni Bachelor of Arts in Political Science student John Mark G. Crisostomo ang opisina ng gobernadora.
Dito kanyang inilahad ang naging resulta ng kanyang pananaliksik kung saan kanyang pinag-aralan kung ano ba ang naging perspektibo ng mamamayan sa adbokasiya “Serbisyong Totoo” na itinataguyod ng pamunuan ni Gov. Mendoza.
Ayon kay Crisostomo, gumamit ito ng purposive sampling sa kanyang pag-aaral at nagsagawa ito ng in-depth interview sa ilang respondents na nanggaling sa sektor ng agrikultura, edukasyon, kalusugan, konstruksyon at vendors/drivers mula sa Kidapawan City at Antipas na mayroong pinakamataas at pinakamababang porsyento ng rehistradong botante sa 2nd District ng Cotabato.
Batay sa resulta ng kanyang pag-aaral positibo ang naging pananaw ng karamihan sa mga respondents kung saan inilarawan ng mga ito na ang serbisyong totoo ay sumasalamin sa dedikasyon ni Gov. Mendoza sa serbisyo publiko na walang pinipili anuman ang estado o political affiliation nito.
Sa results and discussion nito nakasaad, “𝐓𝐡𝐞 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐯𝐢𝐞𝐰 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭𝐬 𝐫𝐞𝐯𝐞𝐚𝐥𝐞𝐝 𝐚 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐢𝐬𝐭𝐞𝐧𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐨𝐟 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐄𝐦𝐦𝐲𝐥𝐨𝐮 “𝐋𝐚𝐥𝐚” 𝐓𝐚𝐥𝐢ñ𝐨-𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚’𝐬 “𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨” 𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐞 𝐚𝐬 𝐦𝐨𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐧 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐲 𝐚 𝐩𝐡𝐫𝐚𝐬𝐞. 𝐏𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐧𝐭𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐬𝐞𝐯𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐟𝐢𝐞𝐥𝐝𝐬-𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐯𝐞𝐧𝐝𝐨𝐫𝐬/𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬, 𝐞𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐡𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧—𝐬𝐚𝐰 𝐢𝐭 𝐚𝐬 𝐚 𝐦𝐢𝐫𝐫𝐨𝐫 𝐨𝐟 𝐡𝐞𝐫 𝐫𝐞𝐚𝐥 𝐝𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐭𝐨 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫 𝐬𝐭𝐲𝐥𝐞 𝐨𝐟 𝐠𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭. 𝐒𝐡𝐞 𝐢𝐬 𝐚 𝐥𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞 𝐫𝐞𝐠𝐚𝐫𝐝𝐥𝐞𝐬𝐬 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞𝐢𝐫 𝐨𝐫𝐢𝐠𝐢𝐧 𝐨𝐫 𝐩𝐨𝐥𝐢𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐢𝐧𝐜𝐥𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐰𝐡𝐨 𝐢𝐬 𝐝𝐫𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐨 𝐩𝐫𝐨𝐯𝐢𝐝𝐞 𝐬𝐞𝐧𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞, 𝐞𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐬𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐧𝐬𝐰𝐞𝐫𝐬 𝐭𝐨 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐭𝐡𝐞𝐢𝐫 𝐧𝐞𝐞𝐝𝐬.”
Nagpasalamat din ang estudyante sa kooperasyon ni Gov. Mendoza ng magsagawa ito ng one-on-one interview noong nakaraang Setyembre. Sa naturang panayam binigyang diin ng ina ng lalawigan na “𝐒𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐨𝐭𝐨𝐨 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐚 𝐭𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐞; 𝐢𝐭 𝐢𝐬 𝐚 𝐛𝐚𝐫𝐨𝐦𝐞𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐝𝐞𝐥𝐢𝐯𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐞𝐧𝐮𝐢𝐧𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐞𝐨𝐩𝐥𝐞.”//idcd-pgo-sotto/photobyWMSamillano//