Taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga opisyales at residente na nagmula sa anim na barangay ng Kidapawan City matapos na maging benepisyaryo ng proyektong pang- imprastraktura mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pamumuno ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA.
Ang nabanggit na mga proyekto na itinurnover ngayong araw Enero 21, 2025 ay may kabuoang halaga na abot sa P47,969,742.62 na pinondohan mula sa supplemental budget at 20% economic development fund ng lalawigan. Ito ay kinabibilangan ng covered court sa Onica High School (P4,996,572.62), pati na road concreting projects sa Brgy. Malinan (9,993,025.54), Macebolig (5,995,911.54), Paco (5,990,866.24), Marbel (P14,994,498.14), at Luvimin (P5,998,868.54).
Naging madamdamin naman si Onica High School Principal Vivien G. Arances nang ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat sa pagtugon ng probinsya sa pangangailangan ng kanilang mga mag-aaral.
“Ang amoang dakong pagpasalamat kay Gov. Lala sa iyang paghatag aning covered court diri sa Onica High School. Ginasiguro namo nga kini amoang ampingan para sa kaayuhan sa amoang mga estudyante.”
Sa kanyang mensahe, binigyang diin naman ng ina lalawigan ang pagsisikap ng kapitolyo na maihatid ang mga pangunahing serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Naging kabahagi sa ginanap na turnover ngayong araw sa anim na barangay ng lungsod sina city councilors Rosheil Gantuangco-Zoreta, Aying Pagal, at Judith Navarra kasama ang mga mga opisyales ng barangay. //idcd-pgo-sotto/ photobyWMSamillano//