P46.9M na proyektong imprastraktura ng kapitolyo, labis na ipinagpasalamat ng mga opisyales at residente mula sa limang barangay ng Kabacan

Sa kabila ng pagiging abala, sinikap ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na personal na iturnover ang limang mahahalagang proyekto ngayong Martes, Enero 7, 2025 sa limang mga barangay ng Kabacan na may kabuoang halaga ng abot sa halos P47M.

Sa ginanap na simpleng turnover ceremony, inihayag ng ina ng lalawigan ang kanyang pasasalamat at pagbati sa mga residenteng benepisyaryo ng proyekto na ayon sa kanya ay bunga ng magandang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Kabacan at pamahalaang panlalawigan.

Kabilang sa mga proyektong itinurnover ngayong araw ay ang apat na road concreting projects na nasa Upper Paatan – P14,987,682.40; Lower Paatan – P9,989,838.93; Bannawag – P9,987,711.83; at sa Barangay Magatos – P9,995,099.99; kasama na ang isang multi-purpose building sa Malanduage – P1,994,804.67.

Labis na pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga punong barangay ng nabanggit na mga komunidad sa “pangakong hindi napako at proyektong nabigyan ng katuparan” sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Mendoza.

Kasama rin sa nabanggit na aktibidad sina Kabacan Municipal Mayor Evangeline P. Guzman, Vice Mayor Herlo P. Guzman, boardmembers Jonathan Tabara, Ivy Dalumpines-Ballitoc, at Joemar Cerebo.//idcd-pgo-sotto/photobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *