Amas, Kidapawan City | Disyembre 11, 2024 – Ito ang naging paalala ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa mga atletang delegado ng tatlong araw na 49th Provincial Athletic Association Meet na pormal nang binuksan ngayong Miyerkules, Disyembre 11, 2024 at may temang “Reach for the Gold”.
Maaga pa lang ay damang-dama na sa Provincial Sports Complex, Amas, Kidapawan City ang tagisan ng galing at kakayahan at ang mainit na suportang nagmumula sa mga magulang, kaibigan at tagahanga ng mga kalahok lalo na nang simulan ang isa sa mga hinihintay ng lahat na drum and lyre competition.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga kabataan mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya at magtutunggali sa mga nakahandang sports and non-sports events tulad ng archery, arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, billiard, boxing, chess, dance sports at iba pa.
Pinasalamatan naman ni Gov. Mendoza ang teaching and non-teaching staff ng Department of Education – Cotabato Schools Division sa ilalim ng pamamahala ni SDS Romelito G. Flores, CESO V dahil sa “commitment and patience” ng mga ito at aktibong pakikibahagi sa mga programang isinusulong ng kapitolyo upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataang Cotabateño. Ikinagalak din ng butihing gobernadora nang makita nito ang mga magulang ng mga atleta na todo-suporta sa kanilang mga anak.
Nakiisa rin sa pagbubukas ng naturang palaro sina 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos at Provincial Advisory Council on Youth and Sports Kerwyn P. Pacifico kung saan naroon din ang iba pang kinatawan ng DepEd, officiating officials, coaches at iba pang panauhin.//idcd-pgo-mombay/ Photoby: WMSamillano&CSMombay//