Daan-daang Barangay Nutrition Scholars, nagsama-sama sa 11th BNS Congress ng lalawigan

Ang kasiglahang ipinakita ng 689 na Barangay Nutrition Scholars sa pagsisimula ng dalawang araw na “BNS Congress” ngayong Huwebes, ika-5 ng Disyembre 2024 sa Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City, ay patunay lamang ng walang humpay nilang dedikasyon, at pakikiisa sa hangarin ni Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA na mapanatili ang magandang kalusugan ng bawat Cotabateño upang matamo ang mas maliwanag at malusog na bukas sa lahat ng komunidad.

Sa temang “BNS, Kaakibat ang Serbisyong Totoo sa Nutrisyon ng mga Batang Cotabateño para sa Bagong Pilipinas,” ipinaunawa ni Integrated Provincial Health Office (IPHO) Head Dr. Eva C. Rabaya, na ang “congress” ay idinisenyo ng pamahalaang panlalawigan upang mapaunlad pa ang kaalaman ng nutrition scholars na itinuturing na aktibong kasangga ng kapitolyo sa pagpapaigting ng programang pangkalusugan partikular na sa pagpapabuti ng nutrisyon lalong-lalo na ng mga bata sa kani-kanilang komunidad. Magiging daan din ang nasabing okasyon “to rekindle camaraderie” o pasiglahin pa ang kanilang samahan o pagkakaibigan upang mapalakas ang teamwork habang naiibsan ang kanilang pagod sa pagganap ng mga tungkulin.

Binigyang diin rin ni Dr. Rabaya ang buong suporta ni Gov. Mendoza sa mga BNS, kung saan bahagi nito ang isasagawang distribusyon ng kanilang “honorarium” na tig-P1,000 kada buwan mula Hulyo hanggang Oktubre ng taong kasalukuyan.

Samantala, kinilala rin nina Board Members Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc at Joemar S. Cerebo bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza ang mahalagang kontribusyon ng mga BNS, Barangay Health Workers (BHWs) at Rural Health Units (RHUs) sa tagumpay ng probinsya, kasama na rin dito ang IPHO na siyang mahusay na nagsasaayos at nangunguna sa implementasyon ng “health programs” sa buong lalawigan.

Parte rin ng aktibidad ang “lecture and updates” sa Philhealth Circular 2024-0017 Outpatient Therapeutic Care Benefits Package for Severe Acute Malnutrition, “induction of officers” ng Cotabato Province Nutrition Action Officers Association and Barangay Nutrition Scholars, “recognition of awardees” para sa Outstanding Municipal Nutrition Committee, Municipal Nutrition Officer, Municipal Nutrition Program Coordinator, Barangay Nutrition Scholar at Gulayan sa Paaralan at Tugkaran.

Nasa naturang “congress” din si Ella Taliño TARAY pati na sina Provincial Nutrition Action Officer Ely M. Nebrija at Provincial Nutrition Program Coordinator Jasmine Regaspi.//idcd-pgo-frigillana/photoby:CSMombay