Pagsisikap ng law enforcers para mapanatili ang katiwasayan at kapayapaan sa lalawigan, pinasalamatan ni Gov. Mendoza

Amas, Kidapawan City | Disyembre 3, 2024- Sa huling pagpupulong ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) para sa taong 2024, ngayong araw sa USM Commercial Building, Kabacan, Cotabato, muling pinasalamatan ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang miyembro ng konseho sa naging partisipasyon nito para mapanatili ang katiwasayan at kaayusan sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon sa gobernadora, hindi mapapagtagumpayan ng kanyang administrasyon ang anumang hamon sa usaping seguridad at kapayapaan kung hindi dahil sa pagsisikap ng law enforcers na siya niyang naging katuwang sa implementasyon ng mga “peacebuilding” programs at pagsiguro sa kaligtasan ng bawat Cotabateño.

Nagpaabot din ito ng pagbati sa mga alkalde sa buong probinsya matapos kilalanin ang mga bayan rito bilang high performing POCs para sa taong 2023 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) batay sa report ni DILG Acting Provincial Director Inecita Kionisala.

Nagpahayag din ng kanilang pasasalamat si Cotabato Police Provincial Director PCOL Gilberto B. Tuzon, 602nd Brigade Commanding Officer Gen. Donald M. Gumiran, at 1002nd Brigade Commander BGen. Patricio Ruben P. Amata sa suportang natanggap nila mula sa kapitolyo na isa sa kanilang naging inspirasyon para mas lalo pang pagbutihin ang pagganap nila sa kanilang tungkulin.

Highlight din ng aktibidad ang turnover ng P1.3M na tseke bilang renumeration assistance mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng DILG para sa former rebel na isinuko ang kanyang armas sa gobyerno.

Samantala, sa naturang PPOC meeting, nagbigay din ng update ang Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology, at focal persons ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), at ECLIP.

Dumalo rin sa pagtitipon ang local chief executives mula sa iba’t ibang local government unit (LGU), mga kinatawan mula sa NGOs at mga ahensya ng pamahalaan. //idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *