Rice Revolution Program- Diversified Approach para sa IAs, inilunsad sa isinagawang Provincial IA’s forum

Amas, Kidapawan City| Nobyembre 27, 2024- Nagtipon ngayong araw sa ginanap na Cotabato Irrigators Forum sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City ang irirrigators association (IAs) sa buong lalawigan sa layuning maipaabot ng mga ito ang kanilang issues and concerns para matugunan ng mga ahensya ng pamahalaan.

Personal na pinangunahan ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA ang aktibidad kung saan inihayag nito ang ilan sa mga programang ipinapatupad ng kapitolyo para matulungan ang mga magsasaka ng probinsya. Kabilang na rito ang pagbili ng lokal na bigas ng rice farmers na siyang ipinamamahagi ngayon sa nagpapatuloy na year-end relief. Nabanggit rin nito ang programang Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Unit (PALLGU), Rice Convergence Approach at iba pang programa ng kapitolyo.

Kasabay ng naturang forum na inorganisa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), inilunsad din ngayong araw ang Rice Revolution Program-Diversified Convergence Approach (RRP-DCA) para sa IAs ng probinsya na magiging benepisyaryo ng fertilizer mula sa pamahalaang panlalawigan at Department of Agriculture.

Ayon kay Provincial Advisory Council (PAC)member Amalia J. Datukan, ang RRP-DCA ay isang inisyatibo ng probinsya na nakapaloob sa konseptong 3Cs o convergence, collaboration, and cooperation.

Ang RRP ay may dalawang iskema kabilang ang: Conventional Scheme kung saan ang anim na sako ng abono ay magmumula sa kapitolyo, lokal na pamahalaan at DA; at Diversified Approach kung sakaling walang kaukulang pondong mailalaan ang lokal na pamahalaan magbibigay pa rin ang DA at probinsya ng tig dalawang sako at ang karagdagang 2 dalawang sako para makumpleto ang abonong kinakailangan ng isang ektaryang sakahan ay pupunan naman ng magsasakang benepisyaryo.

Hangad ng programang ito na pataasin ang ani at kita ng magsasaka at matiyak ang food security sa lalawigan. Nasa nabanggit ring pagtitipon si Boardmember Ivy Dalumpines-Ballitoc, Acting Provincial Agriculturist Engr. Elena Ragonton, PAC Member Retired Judge Lily Lydia Laquindanum, IAs mula sa iba’t ibang bayan, kinatawan mula sa DA at iba pang stakeholders.//idcd-pgo-sotto/Photoby HGbelosillo//