Namumukod tanging magsasaka ng lalawigan, binigyang parangal sa ginanap na Gawad Saka at Farm Family Congress 2024

Amas, Kidapawan City-Isang pagsaludo at pasasalamat para sa magsasakang Cotabateño na siyang haligi ng bawat pamayanan at ekomiya ang hatid ni Cotabato Gov. LALA TALIÑO-MENDOZA sa kanyang pagbisita ngayong araw, Nobyembre 26, 2024 sa ginanap na Gawad Saka at Farm Family Congress.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City, kung saan bida rito ang mga namumukod tanging magsasaka ng lalawigan na nagpakita ng kanilang dedikasyon at pagsisikap upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura na siyang pangunahing pinagkukunan ng pagkain.

Sa simpleng programa kinilala ng kapitolyo, sa pamamagitan ng OPAg, ang mga Provincial Gawad Saka Awardees, Outstanding Farmers Using Best Farm Practices, 4H Awardees, at High Value Crops Winners.

Sa kanilang naging mensahe, binigyang diin ni Boardmember Jonathan Tabara at Provincial Advisory Council Member / Former DA Regional Director Amalia J. Datukan ang mahigpit na pakikipag-ugnayan ng kapitolyo sa Department of Agriculture upang maibigay ang nararapat na interbensyon para sa mga magsasaka. Dagdag pa nito na maraming inisyatibong programa ang pamunuan ni Gov. Mendoza na nakatuon sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Lubos naman ang pasasalamat na ipinaabot ni DA Provincial Agricultural Program Coordinator Rey Domingo sa suporta ng provincial government sa programa ng ahensya at sa pakikipagtulungan nito na maihatid ang serbisyo para sa mga magsasakang benepisyaryo.

Nakiisa rin sa programa sina Boardmembers Joemar Cerebo, Ivy Dalumpines-Ballitoc, Edwin Cruzado, Sitti Eljorie Antao-Balisi, Provincial IP Mandatory Representative Arsenio Ampalid, Acting Provincial Agriculturist Elena Ragonton, Provincial Agri-Fishery Council Chairman Tiny Tamayo at mga kawani mula sa OPAg.//idcd-pgo-sotto//

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *