Hatid ng kapitolyo ang serbisyong tapat para sa pag-unlad ng Barangay Leboce, Makilala

Amas, Kidapawan City | Nobyembre 06, 2024 – Sa pagsisikap ni Gov LALA TALIÑO-MENDOZA katuwang ang Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC) at Provincial Task Force – End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) na palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at ng mamamayan, isinagawa ang Serbisyong Totoo Caravan sa Barangay Leboce, Makilala ngayong araw Nobyembre 6, 2024. 

Ang layunin ng caravan ay makapaghatid ng mga pangunahing serbisyo sa komunidad upang suportahan ang kanilang paglago, kaunlaran at tugunan ang kanilang pangangailangan kasama ang mga tanggapan ng kapitolyo, national line agencies (NLAs), local government units (LGUs), Barangay LGU, at iba pang stakeholders.

Mahigit 360 na residente ang nakatanggap ng iba’t ibang frontline services kabilang ang medical-dental, libreng gupit, food packs, seedlings at tilapia fingerlings, veterinary services, legal services, land tenure services, life support at first aid training, technical skills trainings, birth record registration, at road repair/rehabilitation.

Bukod pa rito, nagbigay ang Philippine National Police (PNP) ng 80 pares ng tsinelas na nagdulot ng tuwa sa mga kabataan ng barangay. 

Sa mensahe ng pasasalamat ni Barangay Chairman Aresto D. Luayon, pinasalamatan nito si Governor Mendoza dahil sa kanyang patuloy na pagkalinga at pagbibigay ng serbisyong tapat sa kanyang nasasakupan at sa buong lalawigan.

Dumalo sa naturang aktibidad sina Makilala Vice Mayor Atty. Ryan Tabanay, DILG Acting Provincial Director Inecita Kionisala, TESDA Provincial Director Relly A. Leysa, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga opisyal ng barangay.

Katuwang ng PTF-ELCAC ng OPPDC ang Provincial Accountant’s Office (PACCO) sa pangunguna ni Provincial Accountant Marelyn B. Balagot, na nangasiwa ng naturang aktibidad upang tiyakin ang sistematiko at epektibong paghatid ng mga serbisyo.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: PTF-ELCAC//